-- Advertisements --

Target ng National Grid Corporation of the Philippines na matapos sa buwan ng Hulyo ang ang 500 kilovolt (kV) line ng Hermosa-San Jose (HSJ) matapos na bawiin ng Korte Suprema ang una nang inilabas nito na TRO.

Ayon sa ahensya, na maaari na itong magpatuloy sa mga huling yugto ng pagsasagawa ng stringing upang makumpleto ang critical project para ma-secure ang transmission services sa Luzon kasunod ng siyam na buwang pagkaantala dahil sa pagpapalabas ng TRO.

Kung maaalala naglabas ang SC ng resolusyon na may petsang Peb. 28, 2024 at ipinahayag noong Abril 8, 2024, hinggil sa pagbawi sa TRO na inilabas noong Hulyo 2023 .

Dagdag ng NGCP, Ito ay magbibigay-daan sa AHENSYA upang makumpleto ang natitirang bahagi ng Hermosa-San Jose LINE magbibigay ng serbisyo sa Bulacan.

Naglabas ng TRO ang korte laban sa expropriation at construction sa isang bahagi ng HSJ na pag-aari ng Phirst Park Homes Inc.