Nasa 100 personahe at dalawang choppers ang pinalabas ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) upang mapabilis ang assessment sa mga pasilidad na naapektuhan ng nagdaang bagyo.
Ayon sa NGCP hanggang sa ngayon ang mga transmission lines na sumusunod ay inaayos pa rin: Cabanatuan-San Luis 69kV Line na partially energized pa lamang kung saan apektado ang mga residente ng NEECO II Area 1, NEECO II Area 2 ay AURELCO.
Gayundin ang Cabanatuan-Bulualto 69kV Line na apektado naman ang mga customers ng NEECO I.
Hindi pa rin gumagana ang isa nilang 230kV line lalo na nasa San Rafael-Cabanatuan 230kV Line 1.
Tiniyak naman ng NGCP na puspusan pa rin ang aerial inspection at simultaneous restoration activities sa mga areas na nagkaroon na ng clearing.
“Please note that this update pertains only to the status of the transmission network. Localized disturbances may be better addressed by your distribution utility. This also does not include lines exclusively serving directly connected industrial customers,” bahagi ng NGCP statement. “Specific cities and municipalities affected by the unavailable transmission facilities are determined by concerned Distribution Utilities, unless the outage affects the entire franchise area.”