-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Nanawagan ang pamunuan ng National Grid Corporation (NGCP) North Luzon sa mga mamamayan na magtipid ng kuryente ngayong panahon ng tag-init.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan, inihayag ni Melma Batario ng NGCP-Regional Communication and Public Affairs Department na malakas ang pangangailangan ngayon ng kuryente dahil sa mainit na lagay ng panahon.

Kinakailangan aniyang magtulungan ang mamamayan sa pagtitipid ng kuryente sa pamamagitan ng pagpatay sa mga appliances na hindi naman ginagamit.

Sinabi pa ni Batario na palagian silang nagsasagawa ng routinary activities upang matiyak na ang kanilang mga transmission lines ay maayos.

Tinitiyak din nila na ang kanilang linya ay hindi maapektuhan ng mga nagaganap na grassfires.