OCEAN ISLE, North Carolina – Umaani ng samo’t saring reaksyon ang pagkakatagpo ng isang piraso ng ngipin ng pinaniniwalaang “megalodon” o uri ng pating na 3.6 million taon nang extinct.
Ayon kay Harvey Wall, nakita niya ang dambuhalang ngipin habang sila ay nasa Shallotte Inlet.
Kwento ni Wall, namumulot sila ng shells sa gilid ng dagat, kasama ang kaniyang pamilya at ang alagang aso nang makita ang “megalodon tooth.”
“I was surprised [that it was there]. We were looking for seashells and walking our dogs,” pahayag ni Wall.
Agad namang kinunan ng larawan ni Harvey ang ngipin ng pating at nakaagaw ito ng atensyon.
May ilang naging interesadong bilhin iyon, may mga namangha, habang may mga hindi pa lubos na naniniwala.
Plano naman ni Wall na i-donate ang ngipin ng dambuhalang pating sa Museum of Coastal Carolina na nasa Ocean Isle Beach.
Ang megalodon ay pinaniniwalaang pinakamalaking uri ng pating na tuluyan nang naglaho sa nakalipas na 3.6 million.
Ilang eksperto ang nagsasabi na naninirahan ang ganitong uri ng isda sa pinakamalalim na parte ng Mariana Trench. (CBS)