CENTRAL MINDANAO – Hindi lamang mga national at local government agencies ang sumusuporta sa Nagkakaisang Adhikain para sa Cotabateños-Lokal Serbisyo Caravan ni Cotabato Governor Nancy Catamco kundi maging mga non-government organizations (NGOs).
Kabilang na rito ang Family Planning Organization of the Philippines Inc. ( FPOP) SOCCSKSARGEN Chapter upang suportahan ang isinusulong na family planning program ni Governor Catamco.
Sa isinagawang NAC-LSC sa Barangay Bituan, Tulunan ay namigay ang grupo ng libreng birth control pills, comdoms, contraceptive implant at injections gayundin ng pagtuturo sa mga ina na mahalaga ang tamang pag aagwat sa pagbubuntis at panganganak para na rin sa kanilang kalusugan.
Ayon naman kay Ms. Pinky Malinao, chapter field educator ng FPOP na sa mga artificial birth control na kanilang ipinamimigay, ang contraceptive implant ang pinakamainam dahil less hassle, tatlong taon ang bisa at pinakaepektibong pamamaraan na mapigilan ang wala sa tamang panahon na pagbubuntis.
Matatandaang naging bukambibig ni Governor Catamco ang contraceptive implant sa mga nagdaang caravan dahil naghihinayang ito sa talento at magandang kinabukasan ng mga kababaihan kapag natali lamang sa maagang pag-aasawa, pagbubuntis at pag-aalaga ng mga anak.