-- Advertisements --

Nagbabala ang National Housing Authority (NHA) sa mga benepesaryo ng kanilang mga pabahay na kanilang kakanselahin ang pagbibigay ng nasabing mga pabahay kapag mahuli ang mga ito na pinaparenta nila ang nasabing mga bahay.

Sa isinagawang pagdinig sa senado, sinabi ni NHA general manager Marcelino Escalada Jr na kapag walang mag-o-okupa o maninirahan sa mga inilaan nilang pabahay sa isang indibidwal ay agad nila itong kakanselahin at ibibigay na lamang sa iba.

Umaabot na rin sa 55,000 non-occupancy units sa buong bansa ang nauna ng naibigay sa mga karapat-dapat na mga mamamayan.

Mayroon lamang 3,800 sa ngayon ang hindi pa natitirahan.