Nag-alok ang National Housing Authority ng 100% condonation sa lahat ng mga delinquent housing beneficiaries na matagal nang hindi nakakabayad ng kanilang buwanang hulog.
Ginawa ni NHA General Manager Joeben Tai ang pahayag kasabay ng pagdiriwang ng ika-50th charter anniversary ng kanilang ahensya.
Ayon kay Tai, tutulungan nila ang mga delinquent beneficiaries na makapag-avail ng 100% condonation para sa penalty sa housing loan.
Nasa 95% naman na condonation ang alok ng ahensya para sa interes sa housing loan.
Sa datos na inilabas ng ahensya , aabot sa 220 delinquent housing borrowers ang matutulungan ng condonation.
Ipapatupad ito mula Mayo 1 hanggang October 31 ng kasalukuyang taon.
Kaugnay nito ay sinabi ng ahensya na magpapatuloy ang kanilang pagsisikap na makapagtayo ng nasa 100,000 na Pabahay ngayong taon.