-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Maliban sa programang pabahay nagkaloob din ang National Housing Association (NHA) ng pinansyal na tulong para sa residente na nasunugan sa Kabacan, Cotabato.

Ang programa ay ang Emergency Assistance Program (EHAP), naglalayong mag-abot ng pinansyal na tulong imbes na mga materyales.

Pinangunahan ni MDRRM officer David Don Saure at ni NHA Kidapawan District Manager Engr. Joel Reintar ang pamamahagi.

Lubos naman ang pasasalamat ng mga tumanggap.

Nagpaabiso naman ang NHA na kanilang babalikan ang mga benepisaryo upang kumustahin ang kanilang pagsasaayos ng kanilang tirahan.

Ang mga napagkalooban ay nasunugan nitong unang kwarter ng taon at sila ay napabilang sa pinakaunang benepisaryo ng programa.

Labis rin ang pasasalamat ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr at ABC President Evangelyn Pascua Guzman sa NHA.