-- Advertisements --
Sinimulan na ng National Housing Authority (NHA) ang pagpapatayo ng 24 low-rise building housing projects sa Lungsod ng Navotas.
Ang nasabing mga pabahay ay para sa mga informal settlers na naniinirahan sa mga mapanganib na lugar sa lungsod.
Isa aniya ito sa mga programa ng gobyerno na mabigyan ng pabahay ang mga mahihirap na mamamayan sa bansa.
Katuwang ng NHA ang epartment of Human Settlements and Urban Development (DHSUD).
Bawat gusali ay mayroong tig-limang palapag na bubuo ng 1,440 units.
Posible sa susunod na taon ay maaari ng matirahan ng mga residente ang ilang gusali na ipinapatayo.