-- Advertisements --
elcano
Elcano and Magellan

Binatikos ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang Spanish-produced na animated film na “Elcano and Magellan.”

Sa nasabing pelikula ay lumabas na naging kontrabida raw si Lapu-Lapu.

Itinuturing kasi na isa sa kauna-unahang bayani ng bansa si Lapu-Lapu na siyang nakipaglaban kay Ferdinand Magellan.

Sinabi ni NHCP Senior History Researcher Ian Christopher Alfonso, si Lapu-Lapu ay simbolo ng pakikipaglaban at paninindigan ng palayain ang bansa sa anumang banta ng pananakop.

Ang nasabing pelikula aniya ay hindi nagpapakita ng tunay na kultura ng Filipino noong taong 1500s.

Sa panig naman ng Malacañang, ipapaubaya na lamang nila ang desisyon sa Movie Television Review Classification Board (MTRCB) kung tuluyang pagbawalang ipalabas sa bansa ang “Elcano and Magellan: The First Voyage Around the World.”

Sa ilalim ng titulo ng promotional campaign poster ay ang animation kay Lapu-Lapu na na may subheadline na “with Philippines very own hero Lapu-Lapu.”

Nasa bahagi pa ng poster ang ipinagmamalaking highlight daw ng pelikula ang “the battle at Mactan between Magellan and Lapu-Lapu.”

Sinabi naman ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, na hindi nila pangungunahan ang nasabing ahensya sa kanilang desisyon.

Nakatakdang ipalabas sa Pilipinas ang pelikula sa lahat ng sinehan sasa Enero 2020.