Ibinahagi ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ang kanilang lineup ng mga aktibidad para sa paggunita ng ika-128 anibersaryo ng kamatayan ni Gat Jose Rizal sa Disyembre 30.
Mayroong tatlong bahagi ng aktibidad ang NHCP — ang unang event ay Nationwide Flag-Raising at Wreath-Laying Ceremonies na gaganapin dakong alas-7 ng umaga — sa Rizal Park sa Maynila; Rizal Shrine sa Calamba; at Rizal Shrine sa Dapitan City.
Ang pangalawang event ay exhibit unveiling ng “Remembering Rizal in Artworks and Monuments.” Ang exhibit na ito ay magbubukas dakong alas-8 ng umaga sa NHCP Central Office sa Ermita, Manila.
Samantala, ang workshop at exhibit na “Hagod Rizal” ay isang commemorative exhibit at portraiture workshop na magsisimula dakong alas-10 ng umaga sa Museo ni Jose Rizal sa Fort Santiago, Intramuros, Manila.
Hinimok ng NHCP ang publiko na lumahok sa kanilang mga aktibidad sa Rizal day.
Hinikayat din nito ang mga local government units sa buong bansa na mag-organisa at makiisa na may kaugnayan sa pagdiriwang ng Rizal day.