Nagpa-alala ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) ukol sa paggamit ng ilang politiko sa pambansang watawat bilang bahagi ng kanilang campaign materials.
Ayon sa NHCP, dapat bigyan natin ng respeto at pagpapahalaga ang ating bandila dahil ito ang simbolo ng ating pagka-Pilipino.
Laging anilang tandaan, ang panata ng bawat Pilipino ay dapat tapat sa watawat.
Batay nga sa Republic Act No. 8491 o kilala rin sa tawag na Flag and Heraldic Code of the Philippines, ang anumang bagay na sumisimbola sa ating pagkamamamayan ay nararapat na kilalanin, pahalagahan at bigyan ng nararapat na paggalang.
At anumang sadyang lalabag sa mga tagubilin na ito ay may kaukulang parusa.
Ang nasabing batas ay sinimulang ipatupad noong Pebrero 12, 1998.