-- Advertisements --

Umapela si National Historical Commission of the Philippines (NHCP) Historic Sites Development Officer Eufemio Agbayani III sa mga politiko na huwag sanang masalaula ang mga national symbols sa kampanya para lang magmukhang makabayan ang mga ito.

Ayon kay Agbayani sa panayam ng Bombo Radyo, hindi naman bawal magdala ng watawat at iba pang sagisag ng ating bansa, basta ingatan umano ito na hindi masira o marumihan.

Hiling din ng NHCP na isabuhay sana ng mga kandidato ang mga ipinapangakong tulong at malasakit sa bayan at hindi lamang tuwing election period.

Maging sa mga okasyong kagaya ngayon na Araw ng Kagitingan, huwag sanang gumawa ng tarpaulin na mas malaki pa ang mukha at pangalan ng kandidato kaysa sa tunay na okasyon.

Sana umano ay palaging isaisip ang respeto sa ating mga bayani, respeto sa bansa at sa mga simbolong kumatawan sa ating pagka-Filipino.