Naglabas ang pahayag ang National Historical Commission of the Philippines (NHCP) sa debate tungkol sa pinag-mulan ng bayani ng Cebu na si Lapu-Lapu.
Nagbunsod ang nasabing debate matapos ang pahayag ni Senator Christopher “Bong” Go sa kaniyang talumpati sa Kadaugan sa Mactan Celebration noong Abril 27, 2021 na si Lapulapu ay Tausug na ipinadala ng Sultanate ng Sulu para tignan ang pagdating ng mga Espnyol sa Cebu.
Humingi na rin ng paumanhin ang senator matapos ang isang araw na at sinabi nito na bumase lamang siya sa ibang kuwento ng Lapulapu at hindi niya sadyang masakatan ang mga Cebuano o kahit kuwestiyunin ang kasaysayan na napapalibot sa bayani ng Cebu.
Ayon sa NHCP na walang sapat na historical data na napapalipot sa pagkakakilanlan ni Lapulapu bukod pa sa na pahayag ng Italian chronicle na si Antonio Pigafetta.
Dagdag naman ni Doctor Rene Escalante, chairperson ng NHCP na wala pang dokumento na maituturing na pangunahing impormasyon sa pinagmulan ni Lapulapu.