-- Advertisements --
COLBY CAVE
COLBY CAVE/ IG post

Pumanaw na si NHL center Colby Cave sa edad 25.

Ayon sa pamilya nito nalagutan ito ng hininga ilang araw matapos na operahan ito ng utak at tinaggal ang colloid cyst.

Dumanas ito ng medically induced coma mula ng dumugo ang utak nito noong Lunes.

Hindi pa rin makapaniwala ang asawa nitong si Emily dahil sa pagkamatay ng asawa.

Naglaro si Cave sa Edmonton Oilers noong 2019 at Boston Bruins.