-- Advertisements --
Nagdesisyon ang National Hockey League na hindi na magpdala ng mga manlalaro na sasabak sa Beijing Winter Olympics sa susunod na taon.
Ito ay dahil sa pangamba ng pagtaas ng kaso ng Omicron coronavirus variant.
Sinabi ni NHL Commissioner Gary Bettman na dahil na rin sa COIVD-19 ay marami na ring mga laro ang ipinagpaliban kaya malabo ng makasali pa sila sa 2022 Winter Olympics.
Noong Setyembre kasi ay nagpasya ang NHL na pansamatalang itigil muna ang mga laro dahil sa ilang mga staff at manlalaro na nila ang dinapuan ng COVID-19.
Mayroong hanggang Enero 10 ang NHL para pormal na ihain ang pag-withdraw nila sa Olympics na magsisimula sa Pebrero 4 hanggang 20 para maiwasan nila ang pagbabayad bilang penalty.