KORONADAL CITY – Nagsasagawa ng monitoring ang National Irrigation Administration (NIA) Region 12 sa mga irrigation system sa buong Soccksargen sa posibleng pagkasira dahil sa ilang araw na pagbuhos ng ulan dulot ng abnormal na panahon dala ng Shear line.
Ito ang inihayag ni Engr. Ma. Luz Laud, Division Manager ng NIA Soith Cotabato-Saranggani sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.
Ayon kay Engr. Laud, kailangan na masiguro na walang masira na mga irrigation dams at canal upang patuloy ang patubig sa mga pananim ng mga magsasaka at bilang paghahanda na rin sa magiging epekto ng El Nino phenomenon.
Dagdag pa ng opisyal, noong nakaraang taon pa ang nakahanda na rin ang mitigation plan ng kanilang tanggapan at ipinasisiguro sa mga magsasaka ang sapat na patubig hanggang sa buwan ng Mayo na ayon sa forecast ng Pag-asa makakaranas ang bansa ng tagtuyot.
Sa ngayon pansamantala lamang ang ulan na nararanasan ng rehiyon dahil sa abnormal na panahon kaya’t magpapatuloy umano ang kanilang paglalabas ng advisories sa mga magsasaka.
Ipinasiguro naman nito na kaagapay ng National Irrigation Administration ang Department of Agriculture Region 12 at mga local government unit sa ginagawang paghahanda sa malaking epekto ng darating na El Nino.