Inatasan ni Pang. Ferdinand R. Marcos Jr. ang National Irrigation Administration (NIA) na magtayo ng mga irrigation system sa mga bayan sa Occidental Mindoro partikular sa San Jose at Magsaysay ng sa gayon mapalakas pa ang kanilang agricultural production.
Batid kasi ng Punong Ehekutibo ang epekto ng El Nino phenomenon sa hanapbuhay ng mga magsasaka.
Sinabi ng Presidente na plano nitong magtayo ng dam na siyang magiging source ng patubig sa lugar na kahit mahina ang ulan ay mayroon silang makukuhanan ng tubig.
Bukod sa irrigation water mula sa dams, magbibigay din ang gobyerno sa mga magsasaka ng mga solar-powered pumps na siyang mag irrigate sa mga mahihirap na upland areas.
Binigyang-diin ng Pangulo na mahalaga ang patubig sa sektor ng agrikultura.
Kabilang sa mga tulong na ipinamahagi ng Pangulo sa mga residente ng Occidental Mindoro ay ang PhP3,000 fuel subsidy sa 393 farmers; PhP5,000 cash assistance sa 1,153 sa mga apektadong magsasaka sa ilalim ng Rice Farmers Financial Assistance; PhP5.1 million sa 193 farmers sa ilalim ng El Niño Indemnification Fund; at nasa PhP77.5 million Survival and Recovery Aid loans.
Habang ang NIA ay nagbahagi din ng PhP7.38 million halaga ng operations and maintenance subsidy sa dalawang irrigators’ associations (IA) at Certificate of condonation and exemption na nagkakahalaga ng PhP18.48 million sa isang association.