Kampante ang National Irrigation Administrastion na lalo pang mababantayan ang structural integrity ng mga irrigation canal sa buong bansa, kasunod ng pagbibigay ng pamahalaan ng mga makinarya para sa maintenance ng mga canal.
Maalalang pinangunahan ni PBBM ang pagbibigay ng makinarya kahapon sa mga irrigator’s association at mga LGUs upang magamit sa canal maintenance.
Binubuo ito ng 141 excavators na may kabuuang halaga na P776 million.
Ang mga naturang makinarya ay gagamitin upang ayusin at panatilihin ang kalidad ng mga irrigation canal sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.
Kabilang na dito ang 257 national irrigation system at 10,144 communal irrigation systems sa buong Pilipinas.
Tiniyak din ng ahensya na masusundan pa ito sa mga susunod na taon.
Sa katunayan, ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, nakahanay na ang ikalawang bugso ng mga makinarya na kinabibilangan ng P782.9 million.
Ito ay bubuuin ng 183 excavators, mga truck, heavy equipment, at iba pang kagamitan.
Mayroon din aniyang ikatlong bugso na inaasahang magkakahalaga ng P1billion at ipapamahagi rin sa buong bansa.