-- Advertisements --
Sinimulan na rin ng National Irrigation Administration ang pagbebenta ng murang bigas kasunod ng naging paglulunsad ng P29 na kada kilong bigas ng kanilang ahensya.
Ang binebenta na abot kayang bigas ay mula sa Rice Contract Farming Program ng NIA.
Layon ng programang ito na mabigyan ng suporta ang 40,000 ektarya ng sakahan upang lumago ang produksyon maging ang income ng mga magsasaka.
Namahagi rin ang ahensya ng farm inputs, binli rin ang ahensya ang aning palay ng mga benepisyaryong magsasaka na umabot sa limang tonelada.
Ayon kay NIA Administrator Eduardo Guillen, ito ay bilang pagtalima lamang sa mga direktiba ni PBBM.
Tuloy-tuloy rin ang pagpupursige ng ahensya na mapalago ang produksyon ng mga sakahan sa Pilipinas.