-- Advertisements --
Bilang paghahanda rin sa El Niño phenomenom, ay hinikayat ni National Irrigation Administration Administrator Eduardo Guillen ang publiko na huwag aksayahin ang mga bigas o kanin.
Dagdag pa nito na isa umano na magiging epekto ng El Nino ay ang kakulangan ng produksyon ng palay sa bansa.
Hinikayat din nito ang mga local government units (LGU) na gumawa ng hakbang ngayong panahon ng tag-tuyot.
Magugunitang pinapakilos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ang lahat ng mga ahensiya ng gobyerno na gumawa ng hakbang para malabanan ang epekto ng El Nino sa bansa.