-- Advertisements --

Kinumpirma ng pamunuan ng National Irrigation Administration na sisimulan na nila ang pagbebenta ng murang bigas sa darating na Biyernes , Enero 10, 2025.

Ang pagbebenta ng abot kayang Bagong Bayaning Magsasaka Rice ay gaganapin sa KADIWA ng Pangulo sa central office ng ahensya.

Bago ito ay magsasagawa muna ng stock inventory ng mga bigas ang naturang ahensya .

Ang Bagong Bayaning Magsasaka (BBM) Rice program ay nag-aalok ng murang bigas na ₱29 kada kilo.

Priority pa rin ng pamunuan ang mga senior citizen, solo parents, persons with special needs, at maging ang mga benepisyaryo ng 4Ps.

Kaugnay nito ay aabot sa mahigit isang milyong bigas ang nakatakdang ibenta nito sa naturang panahon.