Siniguro ng National Irrigation Administration (NIA) na agad magagamit ang mga pasilidad nito na unang dinaanan ng bagyong Aghon.
Batay kasi sa report ng NIA-Operations Department, umabot ng P202.02 million ang iniwang pinsala ng nagdaang bagyo at naapektuhan ang kabuuang 6,015 na ektarya ng mga lupain kung saan pinakamalaki dito ay nairehistro sa CALABARZON.
Habang sa MIMAROPA ay nagtala naman ng P1.72 million na pinsala ang ilang mga pasilidad dito.
Ayon sa NIA, agad nang nagsagawa ang mga Operations and Maintenance (O&M) personnel ng desilting at clearing operations sa mga irrigation canals kasunod ng paghupa ng naturang bagyo.
Sa ganitong paraan ay natitiyak aniya ang maayos na daloy ng tubig sa mga sakahan.
Habang ang mga irrigation facilities na kinakailangang sumailalim sa rehabilitation ay nakatakda na ring ayusin sa lalong madaling panahon.