-- Advertisements --
image 553

Umaasa ang National Irrigation Administration (NIA) para sa taunang P200-billion budget para sa mga proyekto ng mga dam sa Pilipinas.

Ayon kay National Irrigation Administration chief Eddie Guillen, umaasa siya na mayroong ma-implement ang gobyerno na humigit-kumulang P200 billion para sa mga proyekto ng dam.

Gayunpaman, hindi nito maipahiwatig kung gaano karaming mga proyekto ang maaaring maisakatuparan sa naturang budget dahil aniya, iba iba ang mga kinakailangang gastusin para sa mga dam na pina-planong itayo.

Itinuro din ni Guillen na maraming gamit ang mga dam na ito bukod sa irrigation.

Dagdag pa niya, ang National Irrigation Administration ay may kasalukuyang P1 trillion halaga ng mga proyektong nakahanda.

Nauna nang iniharap ng nasabing administratin ang national food security convergence program kay Pangulong Marcos, na naglalayong mapabuti ang irigasyon at magbigay ng tulong sa mga magsasaka sa Pilipinas.

Inatasan naman ni Pangulong Marcos si Public Works and Highways chief Manuel Bonoan na makipagtulungan sa kanila para sa mga naturang proyekto ng National Irrigation Administration (NIA).