-- Advertisements --

GENERAL SANTOS CITY- Hinikayat ni Retired Col. Eduardo Marquez, Regional Director ng National Intelligence Coordinating Agency(NICA) 12 ang mga miyembro ng rebeldeng grupo ng Region 12 na samantalahin ang paggawad ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ng amnestiya sa mga dating rebelde.

Ayon rito, isa lamang ito sa mga pamamaraan ng pamahalaan upang makamit ang kagustohan ng Pangulo na magkaisa ang lahat at magtamo ng kapayapaan sa ating bansa.

Sinabi ng opisyal, malaking tulong ang National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) dahil nagresulta ito ng pagkabuwag umano ng ilang Guerilla Front ng New Peoples Army (NPA) matapos umalis ang mga miyembro nito at sumuko na.

Aniya, sa nasabing programa, tiniyak ng gobyerno ang pagtulong sa mga rebel returnees na magkaroon ng magandang buhay at mamuhay ng normal kasama ang kanilang pamilya sa pamamagitan ng ibinigay na financial assistance at iba pa.

Iginiit nito na wala ng sapat na puwersa ang NPA sa Region 12.