Binalaan ng National Intelligence Coordinating Agency (NICA) ang mga pribadong kompanya at indibidwal na nagbabayad ng extortion money sa NPA na kakasuhan sila at isasailalim sa freeze ng Anti-Money Laundering Council (AMLAC) ang kanilang mga assets dahil sa pagkakasangkot sa terrorist financing.
Ayon kay NICA Dir. Gen. Alex Paul Monteagudo ang mga komunista ay kumubra ng P5.4 billion extortion money mula 2016 hanggang 2018.
Pinakamalaki aniya ang nakuha nila sa mga mining companies na nagbigay ng mahigit P3 bilyon.
Habang P804.3 million naman ang nakuha ng NPA mula sa mga fishpond owners; P789.4 mula sa mga construction companies, maliban pa doon sa mga kompaniyang may malalaking proyekto sa gobyerno; P319 million mula sa transport companies; P34.7 million mula sa commercial establishments; P13.5 million mula sa telecoms companies; at P155.5 million mula sa iba pang sektor.
Nagbigay din aniya sa NPA ng P76.7 million ang ilang mga politiko sa mga nakalipas na eleksyon habang P121.5 million ang ibinigay ng ilang mayayamang indibidwal sa teroristang grupo.
Kasalukuyan na aniyang nangongolekta ang NTF-ELCAC ng ebidensiya laban sa mga nabanggit na kompaniya at indibidwal upang tuluyang masampahan ng kaso.