-- Advertisements --

Niyanig ng magnitude 6.2 na lindol ang karagatang bahagi ng Nicaragua.

Ayon sa US Geological Survey (USGS) na sumentro ang lindol 59 kilometers ng timog bahagi ng Corinto City.
May lalim ito ng 27.5 kilometers.

Naramdaman din ang pagyanig sa kalapit nna bahagi ng bansa ng Costa Rica.

Inaalam pang mabuti ng mga otoridad kung gaano kalaki ang pinsala ng nasabing lindol.