-- Advertisements --

Nakatakdang ipasok sa rehabilatation facility ang dating welterweight at super welterweight world champion Ricardo Mayorga.

Ito ay para labanan niya ang pagkalulon niya sa iligal na droga at alcoholism.

Sa inilabas na video ng dating boksingero na si Rosendo Alvarez, kinumpirma nito ang nasabing pinagdaraanan ng Nicaraguan boxer.

Bilang ambassador of social woks ng World Boxing Champion, hinikayat ni Alvarez si WBC President Mauricio Sulaiman na tulungan si Mayorga.
Ilan sa mga nakalaban na ni Mayorga ay sina Felix Trinidad, Oscar Dela Hoya, Shane Mosley at Miguel Cotto.

Naging hindi maganda ang paghawak nito ng pera dahil sa kasikatan hanggang mapasok sa iligal na droga at pagkalulon sa alak.