-- Advertisements --

Opisyal nang tinanggap ni Nicholas Kaufman ang pagiging abogado ni dating Pang. Rodrigo Duterte sa kinakaharap na kasong crimes against humanity sa International Criminal Court (ICC).

Pinirmahan ni Kaufman ang Undertaking of counsel kung saan nakasaad na gagampanan niya ang kaniyang duty sa ICC na may integridad, kasipagan, karangalan, at naaayon sa konsensya.

Nakasaad din dito na kaniyang irerespeto ang professional secrecy at iba pang duties na itinatakda sa ilalim ng Code of Professional Conduct for Counsel.

Una nang itinalaga ng dating pangulo si Kaufman noong March 14, 2025, ang araw kung kailan siya humarap sa Pre-Trial Chamber ng ICC.

Sa pagtatalaga niya kay Kaufman noon, opisyal niyang hiniling ang pagkaka-postpone ng hearing para sana makapag-consulta pa siya sa kaniyang abogado, bagay na hindi naman pinagbigyan ng ICC.

Sa halip ay itinuloy pa rin ang pagdinig at nagsilbing official legal counsel ni Duterte ang kaniyang dating Executive Secretary na si Atty. Salvador Medialdea.

Pinirmahan ni Kaufman ang Acceptance of Appointment sa The Hague.