-- Advertisements --

Mariing itinanggi ng singer na si Nick Carter ang alegasyon ng sexual assault.

Ayon sa abogado ng Backstreet Boys member na walang katotohanan ang reklamo ng mga tatlong kababaihan.

Dahil dito ay sinampahan nila ang defamation ang mga nagreklamo na sina Melissa Schuman, Shannon Ruth at Ashley Repp.

Nagbunsod ang mga reklamo noong 2000 kung saan ginahasa umano ng singer ang mga biktima mula 2000 hanggang taong 2002.

Nangyari umano ang insidente sa iba’t-ibang bahagi ng US sa kasagsagan ng concert ng grupo.