-- Advertisements --

Umatras na sa pagsali sa US Open si Australian tennis star Nick Kyrgios dahil sa banta pa rin ng coronavirus.

Sa kaniyang social media, nagpost ng video ang 25-anyos na tennis star at binatikos ang kapwa manlalaro.

Sinabi nito na dapat bigyang halaga ang kalusugan ng bawat isa t huwag ito isakapalaran.

Dagdag pa nito na desisyon niya ang nasabing pag-atras dahil marami na ang nasasawi matapos dapuan ng COVID-19.