Maglalaro na sa Phoenix Suns ang bigman na si Nick Richards matapos siyang pakawalan ng Charlotte Hornets.
Kapalit ni Richards ay si dating Suns forward Josh Okogie kasama ang tatlong second-round pick. Ang apat ay pawang maglalaro na sa Charlotte.
Ang 7-footer na si Richards ay inaasahang magsisilbi bilang back-up center ng Suns.
Siya ay may average na 11.3 points per game (ppg), 10.2 rebounds per game, at 1.7 blocks per game sa kaniyang paglalaro sa Hornets ngayong season bilang starter.
Una siyang pumasok sa NBA bilang 2nd round pick noong 2020 NBA Draft at napunta sa New Orleans Pelicans (No. 42).
Sa kabilang dako, ang kaniyang kapalit na si Okogie ay may average na 6.0 ppg at 2.9 assists per gameĀ (apg) sa loob ng 25 games na kaniyang nilaro ngayong 2024-2025 season.
Ito ang unang paggalaw sa NBA ngayong 2025, kasabay ng panibagong pagbubukas ng trade season.