-- Advertisements --

Iniulat ng ilang local media sa Netherlands na ikinulong ang American rapper na si Nicki Minaj dahil umano sa droga.

Mapapanuod din sa ilang social media post ng rapper na sinisita siya ng awtoridad sa airport maging ang kaniyang bagahe. 

Ayon sa post ni Minaj, kinuha umano ang kaniyang bagahe nang walang consent.

Sa isang panayam naman ay kinumpirma ng spokesman ng Dutch police na si Robert Van Kapel na mayroong silang inarestong 41 taong gulang na Amerikana sa Schiphol Airport dahil umano sa “possession of soft drugs” ngunit hindi nito kinumpirma kung si Nicki Minaj nga ang kanilang inaresto.

Sa ngayon, wala pang malinaw at kumpletong detalye sa naturang isyu.