-- Advertisements --
Nicki Minaj
Nicki Minaj/ IG post

Kinansela ni Nicki Minaj ang kaniyang concert sa Saudi Arabia.

Ito ay para mabigyang suporta sa women’s and gay rights sa ultra-conservatice kingdom.

Sinabi ng rapper na matapos ang ginawa nitong pag-aaral ay nagdesisyon na lamang ito na umatras na lamang siya sa concert.

Labis itong nalungkot sa desisyon niya dahil madidismaya niya ang marami nitong fans.

Dahil dito ay nanaig ang kahalagahan ng pagbibigay ng suporta sa karapatan ng mga kababaihan, LGBTQ community at freedom of expression.

Kabilang kasi si Minaj na magtatanghal sa cultural festival sa Jeddah na gaganapin sa susunod na linggo.