-- Advertisements --
Humingi ng paumanhin ang rapper na si Nicki Minaj matapos na magwala ang kaniyang fans ng hindi natuloy ang kaniyang ‘meet and greet’ event sa isang bar sa United Kingdom.
Nasa UK ang 39-anyos na rapper para magtanghal sa Wireless festival sa Finsburry Park kung saan ilang oras bago ang event ay inanunsiyo niya na magkakaroon ito ng meet and greet sa isang bar sa Camdem.
Dahil sa galit ng mga fans ay hinarangan nila ang kaniyang sasakyan at kinuyog ang rapper.
Napigil lamang ang gulo ng dumating ang mga kapulisan para paalisin ang mga tao.
Dahi sa pangyayari ay tuluyan ng kinansela ng rapper ang event para na rin sa kaniyang kaligtasan.