-- Advertisements --

Humingi ng paumanhin ang rapper na si Nicki Minaj sa kaniyang mga fans dahil sa hindi pagtutuloy ng concert nito sa United Kingdom.

Isinagawa nito ang pag-sorry sa harap ng mga fans nito na naghintay

Sinabi nito na mahal niya ang mga fans at humihingi na ito ng paumanhin dahil sa pangyayari.

Pinigilan siya ng mga Dutch authorities dahil sa pagbitbit umano ng iligal na droga.

Bagamat napakawalan din ito nitong Sabado ng gabi ay hindi na natuloy ang concert na gaganapin din sa parehas na gabi.

Magugunitang hinarang ito sa Schiphol Airport sa Amsterdam ng mga kapulisan dahil sa alegasyon na may dala ito ng droga subalit walang nakuha sa kaniya.

Nagtanghal na si Minaj sa Amsterdam noong Huwebes at sa Birmingham, UK nitong Linggo.