-- Advertisements --
Inanunsiyo ng International Criminal Court (ICC) na itinalagang bilang maging legal counsel ni dating Pangulong Rodrigo Duterte si Nicholas Kaufman.
Base sa inilabas nilang dokumento na ay nakapulong ng ICC registry ang dating pangulo nitong Marso 17 at kinumpirma ang pagtatalag sa British-Israeli lawyer.
Sa nasabing araw na rin iyon ay tinanggap ni Kaufman ang nasabing pagtalaga sa kaniya.
Si Kaufman ay mayroong 34 taon na karanasan sa international law kung saan huling naging abogado ito ni dating Congo Vice President Jean Pierre Bemba at dating Central African Republic (CAR) minister Maxime Mokom.
Sinabi ni Kaufman na titiyakin niyang magkakaroon ng matinding depensa ang dating pangulo at inamin niyang patuloy ang pagbuo ng legal team.