-- Advertisements --

Lubos ang kasiyahan ngayon ng Hollywood veteran actress na si Nicole Kidman matapos na mabigyan siya ng American Film Institute (AFI) Life Achievement Award.

Ang 56-anyos na si Kidman ay unang Australian actor na mabigyan ng nasabing award.

Mismong ang beteranang actress na si Meryl Streep ang nagbigay kay Kidman.

Kasama nitong dumalo ang asawang si Keith Urban at kasama sa pelikulang “Big Little Lies” actress na si Reese Witherspoon.

Unang nakilala ang actress a pelikulang “Days of Thunder” kasama ang actor na si Tom Cruise noong 1990 at matapos ang isang taon ay ikinasal sila.

Naghiwalay ang dalawa noong 2001 at sunod-sunod ang paggawa niya ng pelikula kung saan nagwagi siya ng best actress sa Oscars noong 2003 sa pelikulang “The Hours”.