-- Advertisements --
Nagpahayag nang kahandaan si Filipino boxer Donnie “Ahas” Nietes sa laban niya kay Pablo Carillo ng Colombia.
Gaganapin ito sa Abril 3 sa Caesars Palace Bluewaters sa Dubai.
Nakataya sa laban ang WBO international super flyweight crown.
Sinabi nito na mula pa noong nakaraang taon ay sinimulan na niyang mag-ensayo.
Taong 2018 ng huling lumaban sa Dubai si Nietes.
Hiniling ng 38-anyos na longest worl boxing champion sa mga kababayan na suportahan ang kaniyang sunod na pag-akyat sa ring.