-- Advertisements --

Nasa fighting form na si Donnie “Ahas” Nietes isang araw bago ang rematch niya kay Kazuto Ioka.

Gaganapin ang kanilang World Boxing Organization (WBO) world super flyweight title sa Japan sa Hulyo 13.

Ayon sa kaniyang long-time trainer na si Edmund Villamor na sa ilang buwang nilang pagsasanay sa Cebu ay tiyak nilang mauulit ang panalo nila sa Japanese boixng superstar.

Unang nagharap kasi ang dalawa noong 2018 sa Cotal Arena sa Macao, China sa pamamagitan ng split decision.

Mayroong record ang 40-anyos na Filipino boxer na 43 panalo, isang talo, anim na draws na mayroong 23 knockouts hbang ang 33-anyos na Japanese boxer ay mayroong 28 panalo, dalawang talo at 15 knockouts.