-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Nakakulong na ngayon ang isangn Nigerian national matapos na maaresto sa umano’y pang-aabuso sa karelasyon nito sa lungsod ng Koronadal.

Ito ang kinumpirma ni Police Major Rommel Hitalia, deputy chief of police ng Koronadal City PNP sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Kinilala ni Hitalia ang foreigner na si Chukwuemeka Emmanuel Ogbuka, 25-anyos, isang estudyanteng SEAIT at pansamantalang naninirahan sa Purok Tony Ko, Brgy. Zone 3, Koronadal City.

Ayon kay Hitalia, nahaharap ang foreigner sa kasong paglabag sa RA 9262 o Anti-Violence Against Women And Children at may Criminal Case Number 12592-43.

Inilabas ng sala ni Hon. Gerardo C. Braganza sang Regional Trial Court, 11th Judicial Region Koronadal City ang warrant of arrest laban sa suspek.

Mahigpit naman na itinanggi ng foreigner ang paratang sa kanya at nakahanda itong mag-file ng piyansa para naman sa pansamantalang kalayaan nito.