-- Advertisements --

Inaresto ng NBI-NCR ang isang Nigerian national sa loob ng Department of Justice Complex dahil sa umano’y paglabag nito sa   Article 318 (Other Deceits) under the Revised Penal Code na may kaugnayan rin sa R.A. 10175  Cybercrime Prevention Act of 2012.

Kinilala ang suspect na si KENNETH IHO KPILA alyas LEGION IHO KPILA.

Nag-ugat ang pag-aresto sa suspect matapos ang naging kahilingan ng DOJ para sa agarang pag-aresto sa pinangalanang Subject. Ayon sa DOJ, kasalukuyang dumadalo ang naturang Subject sa kanyang aplikasyon para sa Asylum. 

Batay sa impormasyon, agad na tumuloy ang mga ahente ng NBI-NCR sa DOJ Manila at inihatid ang Warrant of Arrest laban sa Subject na si KPILA.

Ang pagpapalabas ng Warrant of Arrest laban sa KPILA ay resulta ng matagumpay na imbestigasyon na isinagawa ng NBI-Cordillera Administrative Region.