-- Advertisements --

DAGUPAN CITY – Arestado ang isang Nigerian national na armado ng hand gun matapos na manggulo sa isang resto bar sa Brgy. San Vicente, lungsod ng Urdaneta, Pangasinan.

Kinilala ang naaresto na si Henry Ifeanyi Atakulu, 25-anyos, tubong Anambra State, Nigeria at kasalukuyang naninirahan sa nasabing barangay.

Bandang alas-10:45 ng gabi nitong Martes, rumesponde ang mga kapulisan sa reklamo na panggugulo sa Traffic Light Resto Bar ng isang lalaki na armado ng hand gun na nagresulta sa pagkakaaresto sa suspek.

Narekober sa kanyang posisyon ang isang unit ng US .9mm handgun replica.

Dinala ang suspek sa Urdaneta District Hospital para sa isailalim sa physical/medical examination bago ito dinala sa Urdaneta City Police station.

Nahaharap ang suspek sa paglabag sa Republic Act No. 10591.