Patay ang isang Nigerian sa ikinasang buy-bust operation ng PNP Drug Enforcement Group (PDEG) kung saan nasa P13 million halaga ng iligal na droga ang nasabat.
Kinilala ni PDEG Director BGen. Ronald Lee ang napatay na banyaga na si Christopher Chukmua miyembro ng West African drug syndicate na nang-aakit ng mga Pilipino para maging drug mules sng sindikato.
Bandang alas-5:30 kahapon ng isagawa ang operasyon na nag resulta sa isang enkwentro na ikinasawi ng Nigerian.
Nasabat sa posisyon ng napatay na banyaga ang nasa dalawang kilo ng shabu.
Nakatakas si Chukmua sa operasyon ng PDEG sa Tarlac nuong December 31,2020 kung saan napatay din ang kaniyang kasama na si Gabriel Onyechefula na isa ring Nigerian.
Pinuri ni PNP Chief Gen. Debold Sinas ang matagumpay na operasyon ng PNP DEG at CIDG.
Sinabi ni Sinas, pinalakas pa nila ang kanilang kampanya laban sa iligal na droga lalo na at sa mga nakalipas na mga araw sunud-sunod ang nakukumpiska nilang mga iligal na droga gaya ng shabu at mga party drugs.