-- Advertisements --

Umapela si Nigerian President Muhammadu Buhari na pang-unawa at pagiging kalmado matapos ang naging madugong sagupaan sa pagitan ng mga protesters at mga kapulisan.

Maraming mga protesters kasi ang pinagbabaril ng mga sundalo sa Lekki toll gates.

Sa ginawang pagsisiyasat ng human rights group na Amnesty International na hindi bababa sa 12 katao ang napatay sa dalawang lugar sa Lagos.

Dahil sa pangyayari ay kinondina ng maraming mga bansa sa pangunguna ng US ang nasabing insidente.