KALIBO, Aklan— Tinakbuhan ng isang Nigerian national ang kanyang hotel bills sa isla ng Boracay.
Kinilala ng Malay PNP ang suspek na si Ayodelle Raphael Jolomi, 38, at kasalukuyang naninirahan sa New Intramuros Village, Makati City.
Nagcheck-in umano ang dayuhan sa isang kilalang accredited establishment sa nasabing isla noong Setyembre 5 gamit ang kanyang TIN Identification card at nagcheck-out na walang paalam kahapon, Setyembre 8 kung saan, umabot sa P52,000 ang kanyang hotel bills.
Ngunit kanya itong tinakbuhan at pumunta siya dito sa bayan ng Kalibo.
Sa follow-up operation ng pulisya, naaresto ang suspek sa Kalibo Ceres Terminal at pansamantalang ikinulong sa Malay Police Station.
Samantala, nakalaya din ang dayuhan kaninang umaga makaraang mabayaran ang ilang araw nitong pananatili sa nasabing hotel.