Ganap ng isang Severe Tropical Storm at mas mabilis at malakas na tinutumbok ang gitnang bahagi ng Luzon.
Itinaas na rin sa signal no. 2 ang bahagi ng Isabela at Aurora.
Partikular sa Isabela ang Dinapigue at ang northern portion ng Aurora ang bayan ng Dilasag at Casiguran.
Ang mga nabanggit na lugar ay maaaring asahan sa loob ng 24 na oras ang lakas ng hangin na may bilis na 62 hanggang 88 km/h na maaaring magdulot ng menor hanggang katamtamang banta sa buhay at ari-arian.
Nakataaas naman ang TCWS No. 1 sa mga sumusunod na 17 lugar sa Luzon:
Ang southern portion ng Cagayan (Tuguegarao City, Peñablanca, Enrile, Solana, Iguig); sa Isabela; Quirino; Nueva Vizcaya; southeastern portion of Kalinga (City of Tabuk, Rizal, Tanudan); eastern portion of Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig); Ifugao; eastern portion of Pangasinan (San Nicolas, Tayug, Natividad, San Quintin, Umingan); Aurora; Nueva Ecija;
northeastern portion of Pampanga (Candaba, Arayat); northern and eastern portions of Bulacan (Norzagaray, San Miguel, San Ildefonso, San Rafael, Doña Remedios Trinidad, Angat);eastern portion of Quezon (Calauag, Guinayangan, Tagkawayan, Pitogo, San Andres, Buenavista, San Francisco, Pagbilao, Infanta, Lopez, Catanauan, Mulanay, Unisan, General Luna, Plaridel, Quezon, Alabat, Sampaloc, Padre Burgos, Macalelon, Mauban, Perez, Agdangan, Gumaca, Atimonan, Real, San Narciso, General Nakar) kabilang ang Polillo Islands; Camarines Norte; Camarines Sur; Catanduanes; at northeastern portion of Albay (Malinao, Tiwi, Bacacay, City of Tabaco, Malilipot, Rapu-Rapu).
Sa ilalim ng TCWS No. 1 makakaranas ng malakas na hangin na may speed na 39 to 61 km/h sa loob ng 36 hours na magdudulot ng banta sa buhay at sa mga properties.
Sinabi ng PAGASA na makakaranas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na 50 mm hanggang 100 mm ngayong Linggo ang Catanduanes, Camarines Norte, at Camarines Sur.
Sa Lunes, maaaring asahan ng Isabela, Cagayan at Aurora ang matinding pag-ulan na aabot sa mahigit 200 mm.
Malakas hanggang sa matinding pag-ulan na 100 hanggang 200 mm samantala ay maaaring bumagsak sa Lunes sa Apayao, Kalinga, Mountain Province, Quirino, Nueva Vizcaya, Ifugao, at Abra.
Katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan mula 50 hanggang 100 mm ang maaaring maramdaman sa Lunes sa Catanduanes, Camarines Norte, Camarines Sur, Quezon, Nueva Ecija, Benguet, Ilocos Norte, at Ilocos Sur.
Ang hanging mula sa hilagang-silangan ay maaari ring magdulot ng malakas na bugso ng hangin sa Batanes, Babuyan Islands, hilagang Cagayan at Ilocos Norte ngayon, lalo na sa mga lugar sa baybayin at kabundukan na nalantad sa hangin.