-- Advertisements --
Lalong lumakas ang Tropical Storm Nika nitong Sabado ng gabi at maaaring umabot sa peak intensity bago mag-landfall sa Lunes, ayon sa state weather bureau.
Ayon sa state weather bureau sa kanilang 11 p.m weather bulletin, patuloy na titindi si Nika at maaaring mag-landfall sa Isabela o Aurora sa Lunes ng hapon o gabi.
Inaasahan din itong magiging isang severe tropical storm category sa Linggo.
Huling namataan ng ahensya si Nika sa layong 625 kilometers (km) silangan ng Virac, Catanduanes o 750 km silangan ng Daet, Camarines Norte, kumikilos pakanluran sa bilis na 20 kilometro bawat oras (km/h).
Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 75 km/h at pagbugsong aabot sa 90 km/h.