-- Advertisements --

Napanatili ng bagyong Nika ang kaniyang lakas habang binabagtas na nito West Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, na lumakas sa pagiging Tropical Storm ang bagyo habang nasa labas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Mayroong taglay pa rin itong lakaas na 110 kph at pagbugso ng hanggang 150 kph.

Nakataas pa rin ang signal number 2 sa Ilocos Norte, Ilocos Sur at Abra.

Nakataas naman sa signal number 1 ang mga lugar ng La Union; Bolinao, Bani, Alaminos City, Agno, Sual at Anda sa lalawigan ng Pangasinan; Kalinga, Apayao, Mountain Province, Ifugao, Benguet, Cagayan kasama na ang Babuyan Island; San Pablo, Santa Maria, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Delfin Albano, Mallig, Roxas, San Manuel, Aurora, Quirino, Burgos, Tumauini, Gamu, San Mateo, Luna, Reina Mercedes, Cabatuan, Ilagan City sa Isabela.

Binabantayan naman ng PAGASA ang isang tropical storma na nasa 1,185 kilometers ng Eastern Visayas na nasa labas pa ng PAR.

May taglay ito ng lakas ng hangin ng hanggang 65 kph at pagbugso ng 80 kph.

Sakaling makapasok na ito sa PAR ay tatawagin itong “Ofel”.