-- Advertisements --
Nanindigan si Republican presidential candidate Nikki Haley na hindi ito aatras sa pagtakbo sa halalan.
Sinabi nito na anumang resulta ang lalabas sa primary election sa South Carolina ay hindi ito panghihinaan ng loob.
Aminado nito na kahit na itinuturing na balwarte niya ang North Carolina ay marami pa rin ang pumapabor sa katunggali nito na si dating US President Donald Trump.
Sa unang mga primary elections ay tinalo ni Trump si Haley at ipinapalutang ng kampo ng dating pangulo na tuluyan na ring aatras si Haley.
Dalawa na lamang ni Trump ang magkatunggali sa Republican primary matapos na umatras si Florida Governor Ron DeSantis.
Naniniwala naman ang dating South Carolina governor na hindi siya bibiguin ng kaniyang mga kababayan.